-- Advertisements --
Hindi lamang pangbabangga ang sinapit ng barko ng Pilipinas mula sa pinakahuling panghaharass ng mga barko ng China sa West Philippine Sea.
Ito ay matapos na bombahin muli ng water cannon ang supply boat na Unaizah 4 na kasama ng mga barko ng Armed Forces of the Philippines sa ikinasa nitong rotation and reprovisioning operation sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ito ang kinumpirma ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Commo. Roy Vincent Trinidad sa ginanap na pulong balitaan ngayong araw sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Samantala, sa ngayon ay hindi muna nagbigay pa ng dagdag na detalye ang si Commo. Trinidad hinggil sa nangyaring insidente.