-- Advertisements --

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko na panatilihin ang pagsunod sa mga ipinatutupad na health and safety protocols lalo na ngayong maraming mga aktibidad ang nakatakdang ganap sa panahon ng Semana Santa.

Sa isang statement ay muling nagpaalala si CBCP President at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa lahat na huwag pa rin na makakapante kahit na tuluy-tuloy na ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng patuloy na pagsunod sa mga ipinatutupad na protocols ng pamahalaan bilang proteksyon at upang tuluyan nang matapos ang pandemyang kinakaharap ng ating bayan.

Inilabas ng bishop ang kanyang pahayag kasunod ng naging babala ng Department of Health (DOH) na posibleng pagmulan muli ng surge ang ilan sa mga religious practices , tulad ng pahalik.

Samantala, nilinaw ni Bishop David na hanggang ngayon ay hindi pa rin hinihimok ang mga tao na gawin ang mga naturang religious practices kasabay ng pagsasabing marami pang ibang paraan upang magsakripisyo o magpepenitensya, tulad na lamang ng pagtulong sa mga mahihirap at nangangailangan.

Bukas ang nakatakdang pagsisimula ng Lenten Season, na tatawaging Palm Sunday, April 10 at magtatapos naman sa Easter Sunday, na gaganapin naman sa April 17.Top