-- Advertisements --

Hindi kinukonsidera ni dating speaker at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang pagtakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 national elections.

Ayon kay Cayetano, ang kinukonsidera niya ngayong posisyon para sa kanyang posibleng pagtakbo ay ang pagka-pangulo o reelection bilang isang kongresista.

May mga nagsasabi rin aniya sa kanya na puwede siyang maging senador, pero pag-iisipan aniya niya ito lalo pa at ibang administrasyon na ang uupo sa susunod na taon.

Malalaman aniya sa mga susunod na linggo ang kanyang desisyon patungkol sa kanyang plano sa 2022 elections.

Ang pinakamatagal na aniya ay sa Setyembre.