-- Advertisements --

Tiniyak ni House Speaker Alan Peter Cayetano na walang magiging problema sa term-sharing nila ni Marinduque Rep. Lord Allan Velesco sa Speakership post.

Ayon kay Cayetano, kung ano ang sasabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa usapin na ito ay siya namang kanyang susundin.

Ito ay matapos na sabihin ni Pangulong Duterte kamkailan na magkakaproblema sa oras na hindi masunod ang kasunduan sa pagitan ng dalawang kongresista.

Pero giit ng lider ng Kamara, wala siyang plano na hindi tuparin ang term-sharing nila ni Velasco at bigyan pa ng sakit ng ulo ang Presidente.

Bukod dito, kumpiyansa naman din si Cayetano na susundin ng mga kongresista na miyembro ng coalition ang magiging pasya ng Pangulo.