-- Advertisements --

Muling nagposte ng double-double performance si Cleveland Cavaliers Guard Donovan Mitchell – 36 points, 12 rebounds, upang ipanalo ang laban kontra tlanta Hawks.

Nagtapos ang laban sa pagitan ng dalawa, 128 – 105 pabor sa Cavs.

Maliban kay Mitchell kumamada rin ng impresibong double-double performance si Evan Moble sa kanyang 19 points 19 rebounds.

Para sa Hawks, nalimitahan lamang ang kanilang star na si Trae Young sa 13 points 10 assists, habang 18 points lamang ang pinkamaataas na individual score sa pamamagitan nina Bogdan Bogdanovic at De’Andre Hunter.

Malaki ang naging diperensya ng overall field goal percentage sa pagitan ng dalawang koponan kung saan nmentene ng Cavs ang impresibong 53.8% habang 35.4% lamang ang nakaya ng Hawks.

Ito ay sa kabila pa ng mas maraming foul points na iginawad sa koponan ng Hawks kumpara sa Cavs.

Napanatili kasi ng Cavs ang kanilang depensa sa loob ng paint area at gumawa ng 72 points dito, kumpara sa 42 points lamang ng Hawks.

Dahil din sa pagbabantay sa loob ng paint, nagawa nilang makapag-block ng 11 shot attempts mula sa Hawks.

Hawak na ng Cavs ang 10 – 8 win-loss record habang nasa 8 – 9 ang Atlanta.