-- Advertisements --

Hindi makakasama ng Cleveland Cavaliers ng ilang laro ang kanilang forward na si Kevin Love matapos na ito ay naka-isolate bilang bahagi ng health and safety protocols.

Hindi naman binanggit ng koponan kung dinapuan ba ng COVID-19 ito.

Ang 33-anyos na si Love ay off bench player ng Cavs na mayroong average na 9.9 points at 7.3 rebounds per games.

Nakasaad kasi sa panuntunan ng NBA na ang mga fully vaccinated na manlalaro ay hindi na dapat sumailalim pa sa quarantine at sa halip ay sasailalim na lamang ang mga ito ng COVID-19 testing.