Isang panalo na lamang ang kailangan ng Cleveland Cavaliers para makausad sa semifinals ng NBA eastern conference.
Tinalo ng Cavs ang Raptors sa pamamagitan ng 4th quarter comeback, 125-120, sa pangunguna nina James harden at Evan Mobley na kapwa kumamada ng tig-23 points at tig-9 na rebounds.
Pareho ring nagpakita ng defensive caliber ang dalawa matapos iposte ni Harden ang dalawang steal at isang block habang isang steal at tatlong blocks naman ang ambag ni Mobley.
Binura ng Cavs ang 8-point 3rd quarter lead ng Raptors at pinigilan din ang huli na umarangkada kung saan sa loob ng 12 mins ay tanging 17 points lamang ang nagawa ng 2019 NBA champion.
Nag-ambag din ng tig-19 points ang mga batikang guard na sina Donovan Mitchell at Dennis Schroder sa naging panalo ng Cavs.
Sinamantala ng koponan ang biglaang pag-alis ng batikang forward na si Brandon Ingram dahil sa pananakit ng kaniyang kanang paa.
Umabot lamang sa 11 mins ang itinagal ni Ingram sa hardcourt at hindi na bumalik pa hanggang matapos ang laban.
Sa kawalan ni Ingram nagsilbing pangunahing scorer ng Toronto si RJ Barett na kumamada ng 25 points at 12 rebounds.
Babalik sa homecourt ng Raptors ang do-or-die na Game 6.
















