-- Advertisements --
Labis ang kasiyahan ni 2018 Miss Universe Catriona Gray matapos na mapili bilang isa sa mga local ambassadors ng FIBA World Cup 2023.
Isinagawa ang nasabing anunsiyo kasabay ng media conference para sa one-year countdown ng World Cup 2023.
Ilan sa mga nakikita nitong hakbang para makahikayat ng mga manonood ng FIBA World Cup ay ang pagpapakita ng mga magagandang tourist destination ng bansa.
Kasama niyang napiling ambassadors ay sina PBA legends Gary David, LA Tenorio at Jeff Chan.
Naniniwala ang 28-anyos na beauty queen na magtatagumpay ang Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup.