-- Advertisements --

Labis na kasiyahan ni 2018 Miss Universe Catriona Gray ng muli silang magkita ng singer na si Ne-Yo.

Nitong Lunes kasi ng gabi ng mag-concert ang American singer kung saan tinawag sa stage ang beauty queen at sumayaw pa.

Ipinakita ni Catriona ang kaniyang signature na lava walk sa stage na ikinatuwa ng mga nanood ng concerts.

Magugunitang isa ang R&B singer na nagtanghal sa 2018 Miss Universe pageant.

-- Advertisement --