-- Advertisements --

Kanya-kanyang habol ng pagbahagi sa kanilang plano ngayong Pasko ang mga local celebrities.

Tulad na lamang ni Catriona Magnayon Gray na bakas ang excitement na makakaligo na uli ito sa dagat, pero sa Australia kasama ang mga magulang.

“The only blues I need in my life β˜ΊπŸ’™ So happy to be back with mum and dad for Christmas down under! πŸ‡¦πŸ‡Ί”

Kung maaalala, naging issue noon ang pag-amin ng pang-apat na Pinay Miss Universe na mis na nito ang mga dagat sa Pilipinas na nagkataong kasabay ng Holy Week (featured article photo).

Kakaiba naman ang third Pinay Miss Universe na si Pia Wurtzbach kung saan nagpahiwatig ito na nais lang mahiga upang makapaghinga.

“It’s a stay-in-bed-and-do-nothing kind of day. Who agrees?” caption nito sa kanyang latest online picture post.

Samantala, magkasama rin sina Enrique Gil at Liza Soberano kung saan sa Los Angeles muna sila bago sa Hawaii para kapwa maka-bonding ang kani-kanilang pamilya sa unang pagkakataon.

“I’m going to LA (Los Angeles) first with Hopie (Hope Elizabeth “Liza” Soberano) because we’re going to visit her family then susunod kami sa mom ko sa Hawaii,” ani Gil.

Saad naman ni Liza: “I’m going to be going to the states to spend time with my family and also with Enrique’s family. But it’s going to be a bit shorter than how I usually spend my holiday trips because we have a new show coming out and we have to start working on that.”

Ang TV host na si Robi Domingo ay sa Taiwan ang napili kasama ang ina, pero tila may hiwalay ding selebrasyon sa Macau kasama ang non-showbiz girlfriend na inilarawan nito bilang “daredevil” o malakas ang loob gaya sa skydiving.

Ilan naman sa mga artistang napili na sa Pilipinas pa rin magdiwang ng Pasko, ay ang supermodel na si Georgina Wilson na nasa Palawan kasama ang sariling pamilya; habang si Jasmin Curtis ay sa Boracay.

Hindi naman nito matiyak kung makakasama ang kanyang ate na si Anne Curtis na una nang naiulat na five months pregnant na.

“But I’m not sure if Ate (Anne) can make it kasi nga preggers and it’s a small plane so we need to make sure that she’s also safe. But for myself, my brother, and my mom, we will most likely do Boracay,” saad ng nakababatang Curtis.