ILOILO CITY- Umaabot na sa higit 200,000 na mga indibidwal sa Western Visayas ang hindi pa rin makabalik sa kanilang bahay dahil sa mataas na tubig baha.
Ito ay may katumbas na bilang ng pamilya na umaabot sa 62,111.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Cindy Ferrer, spokesperson ng Office of Civil Defense (OCD) Region 6, sinabi nito na umaabot na sa 385 na mga barangay sa rehiyon ang apektado ng Bagyo Agaton.
Ayon kay Ferrer, ang nasabing mga barangay ay nagmula sa Aklan, Capiz, Negros Occidental, at Iloilo.
Sa ngayon, 10, 876 na pamilya ang nananatili sa mga evacuation centers.
May naitala na rin na tig-iisang casualty sa Pilar at Mambusao, sa Capiz.
Sa Iloilo Province, tig-iisang patay rin ang naitala sa Lemery, at Ajuy at dalawa naman sa Sara,Iloilo.
May isang patay rin sa Suclaran, San Lorenzo, Guimaras.
Samantala, suspendido pa rin ang byahe ng Ceres bus sa Passi City at Roxas City.
Ngunit balik na sa normal ang byahe ng bus sa Northern Iloilo at sa Antique.