-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Naipadala na kahapon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang P800 million halaga ng cash assistance para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho sa iba’t ibang bansa dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19). 

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Labor Secetary Silvestre Bello III, sinabi nito na naglaan ang pamahalaan ng P1.5 billion cash assistance para sa mga OFWs na nawalan ng trabaho sa iba’t ibang bansa.

Ayon kay Bello, $200 dollars ang ibibigay na cash assistance sa mga OFWs sa Rome, Italy; Madrid, Spain; Jeddah at Riyadh, Saudi Arabia; Kuwait; Qatar; Bahrain at Oman.

Ibibigay ng mga labor attache sa naturang mga bansa ang cash assistace sa mga OFWs sa pamamagitan ng online system.

Sa pagtaya ni Bello ay nasa 150,000 ang mga OFWs na nawalan ng trabaho sa iba’t ibang bansa dahil sa COVID 19.