Pasok na sa vault final sa FIG Artistic Gymnastics World Cup Series sa Baku, Azerbaijan si Filipino gymnast Carlos Yulo.
Nitong Biyernes kasi ay naka-abanse na sa medal round ang pambato ng Pilipinas sa rings at parallel bars.
Nasa pangalawang puwesto ito na mayroong kabuuang 14.916 points.
Makakaharap niya sa finals na gaganapin sa araw ng Linggo ang pambato ng Israel na si Andey Medvedev, Gariel Burtanete ng Romania, Nicola Bartolini ng Italy, Aurel Benovic ng Croatia, Harry Hepworth ng Great Britain at Shek Wai Hung ng Hong Kong.
Sa kabuuan ay mayroon ng apat na medalya sa Yulo sa nasabing World Cup series na kinabibilangan ito ng bronze sa parallel na ginanap sa Germany, gold sa floor exercise, silver sa parallel bars at bronze naman sa vault sa Doha, Qatar.