-- Advertisements --

Pasok na sa semifinal round ng US Open si defending champion Carlos Alcaraz.

Ito ay matapos na talunin niya si Alexander Zverev sa quarterfinals sa score na 6-3 6-2 6-4.

Nangangahulugan nito na mayroon ng tatlong dating champions sa semifinals ang maghaharap ngayong taon.

Ito ay kinabibilangan ni Daniil Medvedev na makakaharap ni Alcaraz at three-time champion Novak Djokovic na makakaharap naman si Ben Shelton ng US.

Paboritong manalo naman na magharap sa finals sina Alcaraz at Djokovic sa araw ng linggo.