-- Advertisements --

Kinondena ng Caritas Philippines ang mga kaso ng di-umano’y extra-judicial killins sa bansa kasama na ang pagkamatay ng mga indibidwal na nadawit sa red-tagging at gayundin ang mga caualty sa war on drugs campaign ng gobyerno. \

Nakatanggap ng kritisismo mula kay Bishop Jose Colin Bagaforo, national director ng Caritas Philippines, ang walang awa na pagpatay dala ng kultura na kinikilala ang karahasan at kawalang-hustisya ng isang bansa.

Nananawagan ito ng hustisya para sa pamilya ng mga biktima ng EJK lalo lalo na ang mga indibidwal na pinatay dahil sa war on drugs campaign ng kasulukuyang administrasyon.

Ayon pa kay Bagoforo, magpapatuloy ang kanilang simbahan na makipagtulungan sa Commission on Human Rights (CHR) at iba pang partner human rights groups at mga abogado upang magpaabot ng tulong sa mga nangangailangan ng legal at psycho-spiritual assistance sa mga namatayang pamilya.

Ipinagdarasal din daw nito na kung sino man ang nasa likod ng mga pagpatay ay mahanap pa rin ang pagpapatawad sa kanilang mga puso.

Pinansin din ni Bagaforo ang pagtatatag sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na imbes panatilihin ang kapayapaan sa bansa ay tila ito pa ang nangunguna na magdeklara ng all-out war, hindi lamang sa mga komunistang grupo ngunit pati na rin sa mga personalidad na nadawit sa red-tagging.