Hinihikayat ng Caritas Philippines si Pangulong Rodrigo Duterte na irekonsidera ang pagtatanggal nito sa mining moratorium.
Sa isang pahayag, sinabi ng grupo na ang Katolikong Simbahan, sa pamamagitan ng Caritas Philippines, Eco-Convergence at CBCP National Laudato Si Program, ay sama-samang nananawagan sa Pangulo na muling pag-isipan ang nasabing paksa.
Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, makasisira lang daw lalo sa ekonomiya ng bansa ang tila desperadong hakbang para resolbahin ang napakalaking economic gap na dulot ng COVID-19 pandemic.
Dismayado raw ang grupo dahil tinanggal ang nine year mining moratorium.
Alinsunod ito sa Executive Order 130 na nag-amyenda sa EO 79 noong 2012, sinususpinde nito ang aplikasyon para sa mineral extractions ng mga protected areas, prime agricultural lands, tourism development areas, at iba pang critical ecosystems.
Naniniwala umano ang grupo na kayang suportahan ng mining industry sa bansa ang iba’t ibang infrastructure projects sa Pilipinas, gayundin ang taasan ang employment opportunities sa mga remote rural areas.
Dagdag pa ni Bagaforo na magandang halimbawa rito ang Marinduque at Albay. Kahit daw kasi wala na ang mga mining companies sa lugar ay nananatili pa rin ang banta sa mga komunidad na wala namang napala mula sa operasyon.