-- Advertisements --

Dinala na ngayon sa Batangas Port ang Hongkong Flag cargo na nakabangga sa fishing vessel ng mga Pinoy na dahilan ng pagkawala ng 12 tripulante nito.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Commodore Armand Balillo, sa ngayong ay ipinagpatuloy na ng coast guard ang rearch and rescue operation para mahanapang mga tripulanteng Pinoy na sakay ng fishing boat na Liberty 5.

Ayon kay Commodore Armand Balillo, nasa Mamburao, Occidental Mindoro na ang BRP Boracay para sa nasabing operasyon habang karagdaganv rescue teams mula Batangas Port ang papunta na sa area para tumulong.

Inihahanda na rin ng PCG ang islander plane para sa nasabing rescue operations.

Base na insiyal na report na nakalap ng PCG,  nangyari ang insidente kahapon ng umaga matapos umanong nagkabanggaan ang sinasakyang fishing vessel ng mga Pinoy na Liberty 5 at ang isang Hong Kong flag cargo vessel na MV Vienna Wood.

Ang nasabing cargo vessel ay mula sa subic papunta sanang Australia habang ang bangka naman ng mga Pinoy ay nakabase sa Cagayan de Tawi Tawi at papuntang Navotas Port.