KALIBO, Aklan – Wala ng buhay nang matagpuan ang caretaker ng convention center sa bayan ng Malay, Aklan.

Ang biktima ay kinilalang si Roberto Ortega, 46-anyos, residente ng Mandaon, Masbate subalit kasalukuyang nakatira sa Sitio Tabon, Brgy. Caticlan, Malay.

Base sa report, nakita na lamang na nakahandasuy at wala ng buhay ang biktima sa loob nga comfort room ng naturang convention center.

Sa pagsusuri ng Rural Health Physician ng Malay, lumalabas na may sakit ang biktima at nagkaroon ito ng internal bleeding.

Napag alaman na may history ng hypertension si Ortega.

Huling nakitang buhay ang biktima noong araw ng Huwebes.

Kumbinsido naman ang pamilya ng biktima na walang foul play sa naturang insidente.