-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Dinomina sa Caraga delegates ang soft tennis secondary girls-doubles sa nagpadpatuloy na Palaro Tu Agsur 2026, matapos makuha ang medalyang ginto mang talunin ang Region 12-SOCCKSARGEN o South Cotabato, Cotabato, Koronadal, Sarangani and General Santos City na syang pumangalawa at nakakuha ng silver medal.

Habang nag-tie naman sa ikatlo ang MIMAROPA o Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan at ang Region II-Cagayan Valley na parehong nakatangap ng bronze medals.

Nakuha din ng Caraga region ang bronze medal para sa soft tennis secondary girls-singles at silver medal naman para sa soft tennis secondary mix-doubles.

Ang demonstration sports ar bagong ini-introduce sa Palarong Pambansa sports na dito ipina-pilot bago isali sa mga regular games sa susunod na mga national games.