-- Advertisements --
Tuloy umano ang pagsasagawa ng Senado ng canvassing bilang National Board of Canvassers (NBOC).
Ito’y sa kabila ng petisyon sa Supreme Court (SC) na humaharang sa kandidatura ni presumptive president Bongbong Marcos.
Ayon kay Senate President Tito Sotto, hangga’t walang order na pipigil dito, gagawin lang nila ang kanilang trabaho.
Una nang nanawagan si Sotto sa mga opisyal ng Comelec na maging patas lang sa mga ginagawa, lalo’t dadaan pa ang mga ito sa makapangyarihang Commission on Appointment.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 141 Certificates of Canvass (COCs) para sa pagka-presidente at bise presidente o 81.50% mula sa total na 173 COCs.