Sasailalim muna sa operasyon sa kaniyang kaliwang kamay si Saul “Canelo” Alvarez matapos ang kaniyang panalo laban kay Gennady Golovkin.
Sinabi ng Mexican boxer na kailangan niya munang pagalingin ang nasabing kamay niya bago ang posibleng rematch niya kay Dmitry Bivol.
Tinalo kasi ni Bivol si Alvarez sa kaniyang paghaharap noong Mayo at sa darating naman na Nobyembre 5 ay makakaharap ng Russian boxer si Gilberto Ramirez.
Desidido rin si Alvarez na umakyat ng timbang para muling makaharap si Bivol.
Magugunitang sa ikatlong paghaharap ni Alvarez kay kay Golovkin ay hindi na nito pinaporma ang Kazakhstan boxer.
Dahil sa panalo kay Golovkin ay nagtamo ito ng injury subalit sanay na siya at magpapagaling lamang ito ng ilang buwang bago labanan si Bivol.