-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nasa kostudiya na ng Butuan City Police Station 2 ang nahuling isang Canadian national na may travel history sa Cebu City, Cagayan de Oro at Tacloban City matapos lumabag sa mga patakaran ng Butuan City government laban sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, kinilala ni Doongan, Butuan City Brangay Captain Gilbert Enriquez ang dayuhang lasing na si Roy Cursey na naka-check-in sa isang hotel sa Barangay Bayanihan sa lungsod.

Binabantayan ito ngayon ng isang health worker matapos ikonsiderang Person Under Monitoring (PUM).

Kasama sa mga nilabag nitong protocol at guidelines ay ang social distancing, pagbabawal sa pagtitipon, pag-iinom ng alcoholic drinks at pagsusuot ng face mask.

Dagdag pa ni Kapitan Enriquez, tini-trace na nila ang babaeng nakarelasyon nito at iba pang mga taong may close contact sa kanya.