-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 ng campaign adviser ni US President Donald Trump na si Corey Lewandowski.
Sinabi nito na naging maganda naman ang kaniyang pakiramdam at walang dapat ikabahala.
Kasalukuyan itong naka-isolate para hindi na makahawa pa.
Si Lewandowski ay isa lamang mga kaalyado at empleyado ng White House na nagpositibo sa nasabing virus.
Ilan sa mga nadapuan ay sina David Bossie ang political adviser ni Trump, Housing and Urban Development Secretary nito na si Ben Carson, White House political affairs director Brian Jack at iba pa.