-- Advertisements --
image 256

Magbibigay ng libreng pagkain ang Cambodia sa lahat ng mga atleta at coaches para sa 32nd Southeast Asian Games na gaganapin sa Mayo a-5 hanggang 17.

Inanunsyo ni Cambodia Sea Games Organizing Committee Permanent Vice President Dr. Thong Khon ang magandang balita, bagay na ikinatuwa naman ng mga participating countries.

Ayon kay Dr. Khon, napagdesisyunan ni Kingdom of Cambodia Prime Minister, Samdech Akka Moha Hun Sen na hindi na maniningil ang Cambodian government ng food at accomodation fees sa lahat ng mga kalahok

Ani Hun Sen, ituturing nilang isang malaking karangalan na maging host sa regional competition na ito, at ang pagsagot sa lahat ng pagkain at accomodation ng mga kalahok ay bahagi ng pagpapakita ng Cambodia ng commitment para sa pakikipagkaibigan nito sa mga kalapit na bansa.

Batay sa nakaugalian sa SEA Games, ang host ay kalimitang nanghihingi ng $50.00 sa kada atleta at coach na siyang magiging bayad sa kanilang pagkain at accomodation.

Sa panig ng Pilipinas, ang delegasyon ng bansa ay bubuuin ng 840 na atleta ay 300 na coach. Ngunit para sa kabuuan ng SEA Games, inaasahang aabot ng hanggang sa 12,000 na atleta at mga coach ang dadalo sa nasabing sports competition.