-- Advertisements --
Nakuha ng bagong koponan na Titan Ultra ang unang panalo sa PBA Philippine Cup.
Tinalo nila ang Meralco Bolts 100-96 sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.
Bumida sa panalo ng Giant Risers si Calvin Abueva na nagtala ng career high na 41 points.
Nakapag-ambag din ng 14 points, anim na rebounds at limang assists si Joshua Munzon.
Nasayang naman ang naitalang 22 points at siyam na rebounds para sa Bolts.