-- Advertisements --

Tiniyak ng Gymanastics Association of the Philippines (GAP) na hindi nawawala ang focus ng gymnastics team ng bansa sa simula hanggang sa last minute training para sa pagsabak sa Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon kay GAP secretary-general Bettina Pou, nakakaramdam ng nerbyos ang buong team pero hindi ito hadlang para maging positibo sa target na pagsungkit ng 10 gold medals.

“The team is very positive heading into the Games. There is some nervousness, of course, since we are also playing here at home but the athletes are not allowing it to affect their focus. We are targeting at least 10 gold medals,” ani Pou sa isang panayam.

Nagunguna sa Philippine gymnastics team ang 19-anyos na si Carlos Edriel Yulo o mas kilala bilang si Caloy, na siyang pinakaunang Pinoy na nakapagbulsa ng gintong medalya sa World Championhip sa Germany kamakailan.

Gaganapin ang lahat ng gymnastics events sa Rizal Memorial Coliseum, kung saan una sa schedule ang artistic gymnastics simula December 1 hanggang December 4, rhythmic gymnastics saDec. 6 at 7, huli ang aerobics gymnastics sa Dec. 9.

Una nang naiulat na determinado ang tubong Pasay na si Caloy na mawalis ang lahat ng pitong events na kanyang lalahukan.