-- Advertisements --

Naitala sa California ang kauna-unahang pagkamatay ng pasyenteng tinamaan ng COVID-19 sa labas ng Washingon State sa Estados Unidos.

Ayon sa health officials, ang matandang pasyente ay matagal nang may iniindang sakit. Posible rin umano na nakuha nito ang virus mula sa sinakyang cruise ship voyage sa San Francisco patungong Mexico noong nakaraang buwan.

Dahil dito ay umakyat na sa 11 ang nasawi sa Estados Unidos habang 39 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus na di-umano’y kumalat sa pamamagitan ng community transmission mula sa dalawang lugar sa Seattle.

Idineklara na rin ang state of emergency sa California para mabigyan ng pagkakataon ang gobyerno na pag-aralan ng mabuti kung saan nagsimula ang Virus.

Sinabi ni California Governor Gavin Newsom na handa silang tumanggap ng mga tulong mula sa mga medical staff sa labas ng estado.

Ikinatuwa naman ang naturang hakbang na ito ng mga residente sa kanlurang bahagi ng Los Angeles.