-- Advertisements --

Buhay pa ang pag-asa ng Cabo Verde na makapasok sa knockout stage sa kanilang unang pagsabak sa FIFA World Cup.

Sa kabila ng matitinding kalaban, kabilang ang two-time World Cup winners na Uruguay at ang 2010 World Cup champion at reigning European champions na Spain, hindi natinag ang maliit na island nation.

Ang dalawang laban ay nagtapos sa draw, na nagbigay ng mahalagang puntos para sa Cabo Verde at nagpapanatili ng kanilang pagkakataon na makausad sa susunod na yugto ng torneo.

Gayunman, magiging mabigat6 na hamon ito para sa kanila lalo’t mas malalakas na kalaban pa ang nakahanay kontra sa kanilang koponan.