Panahon na umano para gawing underground ang cable systems sa bansa, ayon sa isang kongresista.
Sinabi ito ni Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadette Herrera matapos na bumagsak ang sinasakyang helicopter nina Philippine National Police chief Archie Gamboa kasama ang iba pang mataas na opisyal ng PNP matapos na sumabit sa kable.
Ayon kay Herrera, patunay lamang ang insidenteng ito kung gaano kapeligroso ang overhead wires.
Sa ngayon, nakabinbin sa Kamara ang House Bill 5845 o Nationawide Underground Cable System Act na inihain ni Herrera.
Nakasaad sa panukalang ito na dapat ibaon sa ilalim ng lupa ang cabe system ng lahat ng mga kompanya, service providers, at iba pang kompanya na gumagamit ng wires at cables.
Iginiit ni Herrea na magiging mas ligtas ang mga kable at climate resistant kapag ilipat ang mga ito underground.
Bukod dito, magiging mas maayos at malinis din aniyang tingnan ang mga lansangan kapag mailipat sa ilalim ng lupa ang mga nagkakandabuhol-buhol na mga kableng nakasabit sa mga poste.