-- Advertisements --

Pinamamadali na raw ng Department of Transportation (DOTr) ang mga paghahanda para matuloy ang proyektong magtatayo ng cable car mula Baguio City patungong La Union.

Sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na inatasan na ni Transportation Sec. Arthur Tugade ang mga opisyal nito para ma-fast track ang mga deals ng proyekto.

Sa ilalim ng panukalang proyekto, target na magkaroon ng alternatibong transportasyon paakyat at pababa ng Baguio mula Pugo, La Union.

Kasalukuyang pinag-aaralan ng French government ang proyekto sa ilalim ng P26-million feasibility study.

Bukod sa Hilagang Luzon, dati ng sinabi ng DOTr na target nitong magtayo rin ng cable car system sa Pasig River.