-- Advertisements --

Binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong Cabinet-level office na layuning pabilisin ang pag-proseso at pagbabawas sa red tape na nagaganao sa Executive branch at local government units.

Gayundin ang rekomendasyon na patawan ng parusa ang sinumang opisyal o kawani ng gobyerno na mapatutunayang sangkot sa nasabing tiwaling gawain.

Sa ilalim ng Executive Order No. 129, binuo ng Pangulo ang Office of the Presidential Adviser on Streamlining of Government Processes (OPASGP) upang pabalisin at ayusin ang paghahatid ng serbisyo sa publiko.

Ang bagong opisina na ito ay pamumunuan ng Presidential Adviser on Streamlining of Government Processes (PASGP) na may rank at sahod na pareho ng isang Cabinet Secretary. Hinihintay naman ang anunsyo ng Palasyo kung sino ang napiling bagong Cabinet official.

Ilan sa mga kakayahan at responsibilidad ng bagong presidentioal adviser ay ang mga sumusunod:

  • magbigay ng rekomendasyon sa Presidente o sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang evidence-based policies, programs, measures at strategies na magiging daan upang simplehan ang proseso at wakasan ang red tape sa Executive branch at mga lokal na pamahalaan.
  • suriin ang mga existing government systems, mechanisms, at proseso na magpo-promote sa predictable business environment, gayundin ang pagbabawas sa uncertainty ng mga government transactiuons.
  • katuwang ang ARTA, gagawa ito ng epektibong mekanismo para aksyunan ang special, strategic at immediate concerns o direktiba ng Pangulo na kinakailangan din ng agarang aksyon mula sa mga relevant government offices, LGUs at government corporations.

Tungkulin din nito na magrekomenda sa ARTA at iba pang ahensya ng gobyerno na mag-imbestiga at aksyunan sakali mang may mangyaring non-compliance ng sinumang opisyal ng gobyerno o empleyado.

Ang operation funds ng OPASGP ay kukunin mula sa existing budget ng Office of the President.