-- Advertisements --
Magsasagawa ng huling pulong ang Civil Aeronautics Board (CAB) kasama ang Department of Trade and Industry (DTI) at ilang consumer group para pag-usapan ang Air Passenger Bill of Rights.
Sinabi ni CAB Exec. Dir. Carmelo Arcilla na nagsagawa na sila ng mga unang pulong at sa darating na Setyembre 14 ang maaring huli nilang public consultation ukol sa nasabing usapin.
Sa nasabing pagpupulong ay nais nilang mabigyan ng ngipin ang batas para masunod ang karapatan ng mga pasaherong sumasakay sa eroplano.
Pagtitiyak nito na kapag natapos na ang pagpupulong ay mapapabilis ang mahigpit na pagpapatupad ng batas.