-- Advertisements --

Tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na handa ang lahat ng mga commercial airports sa bansa para sa inaasahang pagbuhos ng mga pasahero ngayong panahon ng Kapaskuhan at Bagong Taon.

Ayon kay CAAP Director General Captain Manuel Antonio Tamayo na inabisuhan na nito ang lahat ng mga area center managers ng ahensiya para tiyakin na ang mga passenger terminal buildings na kanilang nasasakupan ay kayang tugunan ang dami ng mga pasahero.

Ilan sa mga probisyon ay ang pagkakaroon ng sapat na upuan, baggage carts, malinis na palikuran, gumaganang escalators , sapat na ilaw sa mga parking area at iba pang mga pasilidad.

Nagkaroon na rin silang koordinasyon sa CAAP Security and Intelligence Service (CSIS), PNP Aviation Security Group (PNP AVSEGROUP) at Office for Transportation Security (OTS) para matiyak na ang mga airport terminals ay handa sa pagkontrol ng mga dadagsang pasahero.