-- Advertisements --
image 182

Inanunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na handa na ang 44 na paliparan sa ilalim ng pangangasiwa nito para sa long weekend.

Ayon kay CAAP Director General Manuel Antonio Tamayo, napakahalaga ng kaligtasan at kahusayan sa mga operasyon sa paliparan, at kasama ang mga katuwang na ahensya.

Aniya, tiwala ito na ang paglalakbay sa mga paliparan ngayong ngayong long weekend ay magiging komportableng karanasan para sa mga pasahero.

Bilang bahagi ng paghahanda ng CAAP, sinimulan ng mga paliparan ang mga nakagawiang protocol para sa mabilis at maayos na pagproseso ng mga pasahero at pag-activate ng Malasakit Helpdesks sa mga gusali ng terminal ng mga pasahero.

Ang pagdiriwang ng Bonifacio Day ay inilipat mula Nobyembre 30 (Huwebes) hanggang Nobyembre 27 (Lunes), na nagbibigay sa mga Pilipino ng pinalawig na weekend.

Pinayuhan naman ng CAAP ang mga pasahero na maging alerto sa mga paliparan at kung maaari ay magtungo ng maaga sa airport upang maiwasang madelay dahil sa mga kinakailangang proseso na gagawin tulad ng sa immigration.