-- Advertisements --

Handang tumugon si Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Dir. Gen. Manuel Antonio Tamayo.

sa panawagan ng ilang mambabatas na mag-leave of absence habang isinagawa ang imbestigasyon sa nangyaring aberya sa paliparan ng bansa noong Enero 1.

Ayon kay Tamayo na kaniyang kakausapin si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ukol sa nasabing usapin.

Sa personal naman na pananaw ni Tamayo na hindi na dapat ito mag-leave of absence dahil sa kamakailan lamang nitong pinamunuan ang nasabing opisina.

Magugunitang nanawagan si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa mga opisyal ng CAAP na lumiban muna habang isinasagawa ang imbestigasyon.