Hindi kinatigan ng Court of Appeals ang inihaing petisyon ng Procurement Service ng Department of Budget and Management na baliktarin ang naging desisyon ng Ombudsman hinggil sa mga iregularidad ng Pharmally Pharmaceutical Corp.
Batay sa naging resolusyon ng 9th Division ng Court of Appeals, ibinasura nito ang petition for review na inihain ni Christine Suntay.
Ayon sa Ombudsman, napatunayang guilty si Suntay para sa sa gross neglect of duty and conduct prejudicial to the best interest of the service.
Sinabi rin ng korte na hindi tama ang mga argumento ni Suntay.
Batay sa petisyon ni Suntay, iginiit nito na dapat ang Ombudsman ang siyang dapat na tumayo bilang respondent sa kanyang petisyo dahil ang mga senador naman ng Senate Blue Ribbon Committee ang siyang nagrekomenda sa kanyang kaso.
Hindi rin kasi aniya isinama bilang respondent ang mga senador na dahilan naman ng mistulang nalabag daw ang karapatan nila na mabigyan ng tyansa na ipaliwanag ang kanilang panig.