ILOILO CITY- Nagdeploy ng halos 800 health compliance officers ang Iloilo City Government upang striktong maipatupad ang social distancing sa unang araw ng Modified General Community Quarantine sa lungsod ng Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na ang mga compliance officers ang tutulong sa mga pulis upang maipatupad ng maayos ang social distancing, mandatory na pagsusuot ng face masks at iba pang health protocols.

Ayon kay Treñas, kahit naka modified GCQ na ang Iloilo, kinakailangang parin ang ibayong pag-iingat upang hindi na madagdagan pa ang naunang mga kaso ng coronavirus disease 2019 sa lungsod ng iloilo.

Samantala, nakahanda rin siya ayon sa alkalde na pag-usapan kasama ang Local Government Unit ng Bacolod City, ang patungkol sa pagbabalik ng byahe ng mga fast crafts, at barko na may rutang Iloilo Bacolod and vice versa.

Anya, bukas siyang pag-usapan kung ano ang mas nakakabuti para lahat dahil maaring may takot parin ang Local Government Unit na magpapasok sang mga Ilonggo sa kanilang lugar.