-- Advertisements --
Pinigilan ng Magnolia Hotshots ang Barangay Ginebra 96-95 para maitabla sa 1-1 ang best of five semifinals nila sa PBA Commissioner’s Cup sa Philsport Arena.
Itinuturing na naging bayani sa panalo ng Magnolia si Paul Lee matapos na maipasok nito na ng buzzer-beater sa natitirang 5.1 seconds.
Unang hawak ng Ginebra ang kalamangan 95-94 sa pamamagitan ng three point shot ni Stanley Pringle.
Nagtala ng kabuuang 24 points si Lee habang ang import nila na si Nick Rakocevic ay nagtala ng 23 points, 20 rebounds at tatlong blocks.
Nasayang naman ang nagawang 34 points ni Justine Brownlee at 17 points ni Stanley Pringle para sa Barangay Ginebra.