-- Advertisements --
MMDA MEETING

Mahaharap sa mas mahigpit na parusa na aabot sa P30,000 simula Nobyembre 13 ang mga private motorists na gagamit ng EDSA bus lane, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes.

Nauna nang inaprubahan ng Metro Manila Council (MMC) ang isang resolusyon na nagdaragdag ng parusa sa mga gagamit ng exclusive city bus lane/bus carousel lane sa kahabaan ng EDSA.

Sa ilalim ng MMDA Regulation No. 23-002, ang increased fines para sa paglabag sa parehong pampubliko at pribadong sasakyan ay:

First offense – P5,000 na multa

Second offense – P10,000 na multa kasabay ng isang buwang suspension ng driver’s license, at sasailalim sa isang road safety seminar.

Third offense – P20,000 na multa kasabay ng isang taong suspension ng driver’s license.

Fourth offense – P30,000 na multa at may rekomendasyon sa Land Transportation Office para sa revocation ng driver’s license

Ayon kay MMDA chairperson Romando Artes, base sa kanilang datos at obserbasyon, may mga mangilan-ngilan pa ring nagbabayad ng P1,000 na multa at lumalabag sa exclusivity ng bus lane dahil kayang-kaya nilang bayaran ito. Kalimitan aniya ay kotse ng mayayaman.

Bago ang full implementation ng adjustment ng penalties, sinabi ni Artes na magsasagawa muna ang MMDA ng information campaigns para malaman ng publiko ang increased fines.