
Nagbabala muli ang pamunuan ng Bureau of Immigration sa publiko laban sa bagong modus ng human trafficking sa bansa kung saan tina-target nito ay mga indibidwal na nagbabalak magtrabaho sa ibang bansa bilang household worker.
Kaugnay nito, dalawang babae na may edad 36 at 37 ang naharang ng BI travel control and enforcement unit na patungo sanang Dubai.
Batay sa report, ang dalawang biktima ay nagpanggap unanong mga Muslim pilgrim at plano nilang magtungo sa Kingdom of Saudi Arabia para makilahok sa Umrah.
Sinabi rin ng mga biktima na kakaconvert pa lamang nila sa relihiyong Islam at planong manatili sa Saudi ng pitong araw.
Sa kabila ng kanilang mga pahayag ay hindi pa rin ito pinayagan ng BI personel na makaalis dahil sa mga inconsistencies sa pahayag nito.
Di nagtagal ay umamin ang dalawa na ang kanilang mga dokumento ay fabricated at ni recruit lang umano sila online ng isang babae na nag proseso sa kanilang visa at tickets.
Ayon sa mga biktima, inutusan silang magpanggap na Muslim para makaalis ng bansa
Ikinadismaya naman ng pamunuan ng Bureau of Immigration ang insedenteng ito ng pamemeke ng relihiyon.
Samantala, itinurnover naman ng BI ang dalawang biktima sa Inter-Agency Counsil Against Trafficking para sa karagdagang imbestigasyon at upang masimulan na ang mga kaso laban sa kanilang recruiter.










