-- Advertisements --
bigas

Iniimbestigahan na ng Bureau of Customs (BOC) ang umano’y Chinese mafia sa likod ng pagpupuslit ng bigas sa Pilipinas.

Ayon kay BOC Director Vernie Enciso, nakatanggap sila ng reports kaugnay sa naturang isyu kung saan ang mga sangkot sa rice smuggling ay nasa sektor ng financing, distribution at iba pa na isa sa mga tinitignan ng bureau.

Kaugnay nito, sinabi ng BOC na patuloy ang kanilang ginagawang paggalugad sa mga bodega na nagresulta sa pagkakakumpiska mula Agosto hanggang sa kasalukuyan sa 236,571 sako ng smuggled rice mula sa apat na warehouse sa Bulacan, 36,000 sako naman mula sa Tondo, Manila at 20,000 sako mula sa Las Piñas at Bacoor, Cavite.

Inamin naman ni BOC chief of staff Atty. Marlon Agaceta na mahirap matukoy ang pinagmulan ng smuggled rice at kung sino ang nasa likod nito.

Sa kasalukuyang taon, nasa 53 kaso na ang naihain ng BOC kabilang dito ang 416 importers ay forfeited agricultural products na nagkakahalaga ng mahigit P612 million.