-- Advertisements --
cropped Bucor 1

Ibinunyag ni Bureau of Corrections (BuCor) officer in cahrge Gregorio Catapang Jr. ang planong paghiwalayin ang mga inmates base sa kanilang nagawang krimen.

Ayon sa BuCor official na kailangan ng ma-decongest o magbawas sa mga piitan at pagsama-samahin ang may magkakaparehong kaso lalo na ang mga may kasong murder, rape at drug-related charges.

Ang mga may drug-related cases ay maaaring manatili sa maximum security compound habang ang mga may kaso naman ng murder at rape ay ililipat sa mga pasilidad na kasalukuyang kinunumpleto pa sa Ihawig, Puerto Princesa; Sablayan, Occidental Mindoro, at Davao.

Nais din ng BuCor official na malinaw ang kahulugan ng “heinous crime” kasunod ng pag-lapsed into law ng Separate Facility for Heinous Crimes Inmates Act.

Ang naturang panukala ay nagpapahintulot para sa pagtatayo ng hiwalay na pasilidad para sa mga heinous criminals.