Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na naitala ng Bulkang Taal ang pinakamataas nitong sulfur dioxide gas emission ngayong taon.
Sa isang pahayag, sinabi ng Phivolcs na may kabuuang 9,762 tonelada ng volcanic sulfur dioxide (SO2) gas emission ang naitala kahapon Oktubre 12.
Ang mga visual monitor ay nagpapakita ng patuloy na pagtaas ng mga likido ng bulkan sa Main Crater na nakabuo ng hanggang sa katamtamang dami ng degassing plumes.
Sinabi rin ng Phivolcs na walang volcanic smog o vog na naobserbahan sa Taal Caldera.
Gayunpaman, ang DOST ay nagtataya ng wind speed sa rehiyon ng Taal na makabuluhang bababa sa darating na katapusan ng linggo, at kung magpapatuloy ang mataas na sulfur dioxide degassing, ang mga pagkakataon para sa bulkan na maglabas sulfur dioxide na maipon at makabuo ng vog ay tataas ang tiyansa.
Ayon sa Phivolcs, ang vog ay naglalaman ng mga fine droplets na naglalaman ng volcanic gas tulad ng SO2, na acidic, at maaaring magdulot ng iritasyon sa mata, lalamunan at respiratory tract.
Ang mga tao lalo na ang mga nakatira sa mga komunidad na malapit sa mga bulkan ay pinapayuhan na magsagawa ng pag-iingat upang hindi makalanghap ng vog na nakakasama sa kalusugan.