-- Advertisements --
bantag NBP Bucor
New BuCor chief Gerald Bantag (file photo from DOJ)

Desidido si Bureau of Corrections (BuCor) Director Gerald Bantag na paalisin ang mga informal settlers na nasa loob ng New Bilibid Prison (NBP) para sa itatayong gusali ng Correctional Institure for Women (CIW).

Ayon kay Bantag, ang CIW kasi sa Mandaluyong ay sinasabi raw na gusali ng Department fo Social Welfare and Development (DSWD) kaya plano na nilang magtayo ng gusali ng CIW sa 28 ektaryang lupain ng Bureau of Corrections (BuCor).

Kasabay ng kanilang inspection kanina para makita ang area, sinabi ni Bantag na ang mga informal settlers umano ang pangunahing problema sa lugar na posibleng panggalingan ng mga kontrabando sa loob ng itatayong piitan.

Bagamat napadalhan na raw nila ng notice ang mga informal settlers ay hindi natuloy ang pag-evacuate sa mga ito dahil na rin sa lockdown dulot ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Bagamat wala pang blue print sa itatayong pasilidad ng CIW, siniguro naman ni Bantag na tuloy-tuloy ang kanilang pagpa-plano para mailipat na ang mga bilanggo mula sa Mandaluyong.