Hinihintay pa raw ang Bureau of Corrections (BuCor) ang orohinal na kopya ng absolute pardon kay US Marines Lance Corporal Joseph Scott Pemberton bago nila iproseso ang release order nito.
Ayon kay BuCor Director Gerald Bantag, sa oras na matanggap na nila ang original copy ng pardon ng Amerikanong sundalo ay dito na sisimulan ang internal process.
Kabilang na dito ang paghahanda sa memorandum to release ng dating sundalo, verification kung mayroon pa itong nakabinbing mga kaso at ang pagkuha ng biometrics at photograph.
Aminado ang BuCor director general na ilang araw din ang kanilang gugugulin sa pag-proseso para makalaya na ang naturang bilanggo.
Aniya kailangan ding sumunod ang sundalo sa protocols mula sa health services gaya ng swab test.