-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Bureau of Correction (BuCor) Director Gregorio Catapang ang malalimang imbestigasyon sa pagtakas ng isang inmate sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City na kalaulan ay kanilang nabawi.

Si Michael Cataroja ay hawak na ng mga otoridad na matapos na maaresto ito sa probinsiya ng Rizal.

Ang nawawalangn Person Deprived of Liberty o PDL ay unang inakalang patay na at sinasabing natagpuan ang kaniyang buto sa septic tank ng NBP.

Matapos na nagegatibo ang nasabing ulat na buto pala ng tao ang natagpuan sa septic tank ay agad na inilunsad ng mga otoridad ang malawakang manhunt.

Pagtitiyak naman ni Catapang na papanagutin niya ang sinumang nagpatakas sa nasabing inmate.