-- Advertisements --

Ginulat ang powerhouse team na Milwaukee Bucks matapos na matalo sa Game 2 sa NBA semifinals.

Sa ngayon parehas na meron ng tig-isang panalo ang Bucks at Boston Celtics sa Eastern Conference.

Hindi na hinayaan pa ng Celtics na muling mamayani ang NBA defending champion dahil sa doble kayod sa opensa na kanilang ginawa.

Nanguna si Jaylen Brown na may 30 points kung saan ang kanyang 25 puntos ay naipasok lahat sa first half pa lamang,

Naging agresibo rin sa kanilang mga tira sina Jayson Tatum na nagdagdag ng 19 points at eight assists at si Grant Williams ay nagtapos sa 21 points.

Ito ay sa kabila na hindi nakalaro ang Defensive Player of the Year na si Marcus Smart dahil sa injury.

Nagawa ring malimitahan ng Celtics ang galaw ang dating MVP na si Giannis Antetokounmpo na ang 28 points ay pawang naipasok sa third quarter.

Ang Game 3 ay gagawin na sa Linggo doon sa Milwaukee.