-- Advertisements --

Muling pinataob ng kulelat na Brooklyn Nets ang Milwaukee Bucks, sa score na 96-90.

Dinomina ng Nets ang naturang laban mula simula hanggang matapos, tangan ang single-digit lead sa bawat pagtatapos ng quarter.

Nagpasok ng 21 points si Brooklyn forward E.J. Liddell mula sa kaniyang pitong naipasok na field goals habang 19 points naman ang kontribusyon ng bagitong guard na si Ben Saraf.

Sa Bucks, pawang mga bagitong players nito ang sumabak sa laban habang nagpapahinga ang bigman at NBA champion na si Giannis Antetokounmpo.

Parehong hindi makakapasok sa playoffs ang dalawang koponan matapos malaglag sa contention dahil sa limitadong bilang ng panalo sa kabuuan ng season.

Ito ang ika-20 panalo ng Nets ngayong season habang hawak naman ng Bucks ang 31 wins at 48 loss.