Tinambakan ng Detroit Pistons ang Brooklyn Nets ng 53 puntos, 130-77.
Halos walang kahirap-hirap na tinapos ng Detroit players ang laban matapos nilang maitala ang 57% overall shooting kumpara sa nakakadismayang 33% ng Brooklyn.
Sa loob lamang ng 26 minuto ng paglalaro, nakapagtala na si Pistons guard Cade Cunningham ng 18 puntos at 12 assists.
Nagdagdag pa siya ng tatlong blocks at apat na steals upang pangunahan ang depensa at opensa ng kanyang koponan.
Hindi rin siya binigo ng kanyang mga kakampi matapos makapuntos ang lahat ng 12 players na ginamit, kung saan pito sa kanila ang kumamada ng double-digit scores.
Samantala, sa malamlam na performance ng Nets, umabot lamang sa 12 puntos ang pinakamataas na individual score na naitala ng bench player na si Cam Thomas.















