-- Advertisements --

Dinala ni Damian Lillard ang Milwaukee Bucks matapos para talunin ang Indiana Pacers 109-94 sa Game 1 ng first round ng NBA playoffs.

Nagtala ng 35 points si Lillard na siyang naging susi sa Bucks dahil sa kawalan ni Giannis Antetokounmpo dahil sa calf injury.

Mula sa simula ay naging agresibo na ang Bucks hindi na hinayaan pang makalamang pa ang Pacers.

Nasayang naman ang nagawang 36 points at 13 rebounds ni Pascal Siakam para sa Pacers.